18,665 𝙉𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙇𝙊𝙇𝙊 𝘼𝙏 𝙇𝙊𝙇𝘼 𝙏𝙐𝙈𝘼𝙉𝙂𝘼𝙋 𝙋𝙀𝙉𝙎𝙔𝙊𝙉 𝙈𝙐𝙇𝘼 𝙎𝘼 𝙇𝙊𝙆𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇𝘼𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙇𝙐𝙉𝙂𝙎𝙊𝘿 𝙉𝙂 𝘽𝙄Ñ𝘼𝙉
LAGUNA- Masaya at masaganang pagsalubong sa kapaskuhan ngayon para sa mga Lolo at lola. Makaraang matangap na nila ang kanilang social pension na mula sa pamahalaan lokal ng lungsod ng Biñan.
Pinangunahan ito ni Mayor Arman Dimaguila at Vice Mayor Gel Alonte ang pamamahagi ng pensyon para sa 18,665 na mga senior citizen sa nabangit na lungsod.
Sa panayam kay Mayor Dimaguila ang pamamahagi ito ay bahagi ng nilikhang ordinansa para sa kanila at hindi para mamulitika o gamitin ito bilang political tools .
Dagdag naman ni Vice Mayor Gel Alonte na nais pa nilang palakasin ang serbisyo para sa mga PWD, solo parent at senior citizens para naman sa health services ng mamamayan ng Biñan.
Pawang tumangap ng P.3,000.00 piso ang bawat Lolo at lola ito ay para naman mula buwan ng hulyo at Disyembre 2024.
Samantalang tumangap din kamakailan ang 1,100 na solo parents ng halagang P.6,000.00 habang masayang tumangap din ang 95 mga senior citizen na umabot na ng 85 taong gulang bilang benepisaryo ng P.5,000.00 piso.(Kevin Pamatmat)
0 Comments