Ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ay nakiisa sa Plant for Life: Tree Planting Activity ng Maynilad Water Services Inc., kasama ang Bantay Gubat of Ipo Watershed, noong September 27, 2024.
Ang layunin ng Plant for Life ay makatulong sa reforestation ng Ipo Watershed sa Bulacan, isang watershed na may malaking papel sa supply ng tubig sa Metro Manila at ibang parte ng Cavite.
Ang MPT South, kasama ang mga volunteers at empleyado ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ay nakapagtanim ng 800 native tree seedlings sa nasabing lugar. Ito ay parte ng 2024 environmental target ng Maynilad na makapagtanim ng 220,000 na puno sa 600 na ektarya ng lupa.
Ika ni Arlette V. Capistrano, Vice President ng Communication and Stakeholder Management ng MPT South, “It is an honor to help Mother Nature thrive alongside our kapatids of LMRC. Together, we can do more in protecting our environment and strengthening the consciousness of our teams that’s what we do is for the good of our future generation.”
Ang pagiging bahagi ng MPT South sa Plant for Life Tree Planting Activity ay bahagi ng dedikasyon ng kompanya na maprotektahan ang kalikasan. Sa pamamagitan ng mga ganitong kaganapan, nilalayon din ng kompanya na makaudyok pa ng mas maraming tao na makisama sa kanilang misyon na protektahan at pangalagaan ang kalikasan.
Ang MPT South ay isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC). Maliban sa mga toll road networks ng CALAX at CAVITEX, ang MPTC’s domestic portfolio ay kinabibilangan ng North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.
0 Comments