PAGSASANAY PARA SA MGA FIRE BRIGADES ISINAGAWA SA LUNGSOD NG SAN PABLO
LAGUNA- Naging ma aksyon ang natapos na pagsasanay ng mga lumahok sa fire drill ng Bureau of Fire Protection BFP , San Pablo Fire Station. Sa pangunguna ni City Fire Marshall FCINSP ADRIAN S. DELA CRUZ
Sumailalim ang bawat isa sa kauna-unahang pagsasanay bilang fire brigades dahil sa mga nakalipas na mga taon ay tanging fire drill at fire safety lamang ang kanilang nilalahukan.
Samantalang nagkaroon din ng pag-aaral para sa self defense na pinamumuan ni SFO2 Ulysses M Fajilan Jr. nais nito na mabigyan ng proteksyon ang mga taga pamatay sunog. Kung sakaling magkaroon ng problema sa mga residente nagiging agresibo sa oras ng may sunog na sila pa ang nang-aagaw ng hose ng mga bumbero .
Ginanap ang nasabing pagsasanay sa bulwagan ng San Pablo Water District. Ayon kay General Manager Engr .Eleuterio D. Amante nais niyang magbuo ng isang Fire Brigade upang maging handa sila at masanay sa pag-apula ng sunog. At makatulong ng BFP sa pagtugon sa anumang mga sakuna .
Aniya masusundan pa ang nasabing pagsasanay na nakatuon naman sa first aid training at water rescue na siyang muling pangungunahan inaman ng San Pablo Fire Station.(Kevin Pamatmat)
0 Comments