MPT South ibinida ang Laguna Heritage sa Photowalk Tour

Ulat ni:Roy Tomandao 

"MPT South ibinida ang Laguna Heritage sa Photowalk Tour"

LAGUNA -Matagumpay na inilunsad ng Metro Pacitic Tollways Sourth (MPT South), sa pakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government – Laguna (DILG Laguna), Laguna Tourism Culture Arts and Trade Office (LTCATO), Biñan City Culture, History, Arts, and Tourism Office (BCHATO), at Sta. Rosa Tourism Office (SRTO) ang kauna-unahang Biyaheng South’s “Discover Laguna: A Heritage Photo Walk Tour” sa mga lungsod ng Biñan at Sta. Rosa. 
Ang ‘Biyaheng South’ ay nagimbita ng mga photo enthusiasts at ilang media partners para makiisa sa Photo Walk Tour. Nagsimula ito sa Biñan, kung saan nagkaroon muna ng isang quick tour sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) mula Mamplasan hanggang Silang-Aguinaldo exit, upang mai-highlight ito bilang isang green expressway, na nagpapakita ng pagiging self-sustaining nito. Kasunod nito, ang mga kalahok, media partners, at mga kasamahan mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, ay napaligaya ng isang masarap na almusal at relaxing vibe ng isa sa mga nakatagong hiyas ng Biñan, ang Kamp Lilim, na hindi kalayuan sa CALAX. Pagkatapos nito ay tumungo na ang grupo sa Biñan Esplanade, ang baybaying lawa ng bayan kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na masilayan ang Hispanic-inspired coastal architecture at ang makapigil-hiningang Laguna Lake, ang pinakamalaking lawa sa bansa. 
Pagdating naman sa población ng Biñan, nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na makita at makuhaan ng litrato ang isa sa mahahalagang yamang kultura ng bayan, ang Alberto Mansion, ang bahay ng pamilya ni Teodora Alonzo, ang ina ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nagkaroon din ng pagkakataon ang lahat na matuto sa mga bakas ng lahi ni Dr. Rizal na nakaukit sa bayan ng Biñan. 
Pagdating naman sa lungsod ng Sta. Rosa, ang mga kalahok ay natikman ang masarap na tanghalian mula sa ‘PansEAT’, isa a pinakamatandang restawrant sa lungsod. Pagkatapos mananghalian, nagturo ang local tourism officer ng Sta. Rosa ng mga kamangha-manghang kasaysayan ng bayan na makikita sa museo ng lungsod, sa daang-taong simbahan ng bayan, ang Sta. Rosa de Lima Parish Church na itinayo pa noong 1792; ang kahanga-hangang Spanish at American na mga tahanan sa Zavalla street na nakadadagdag sa kahulugang pangkasaysayan nito; at ang bantog na pook at pagkakakilanlan ng Sta. Rosa, ang Sta. Rosa Arch. 
Ang mga kalahok at media partners ay kumuha ng mahahalagang litrato sa mga heritage sites at makasaysayang mga pook sa gitna ng maunlad na lungsod ng Biñan at Sta. Rosa; nakaikim ng mga lokal na pagkaing ipinagmamalaki ng mga bayang ito gaya ng Puto Biñan at pritong okoy; at nagkaroon din sila ng pagkakataon na matutunan ang kahalagahan ng kasaysayan na nagpapaalala ng ating pinagmulan. 
Ang mga photo enthusiast na lumahok sa pagtitipon na ito ay nagbahagi rin ng kanilang pinaka-magagandang litrato na nakunan sa dalawang lungsod. Ito ay masusing pinili ng mga hurado mula sa MPT South at mga kasamahan sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno. Sa huli, ang mga hurado ay pinili ang mga litrato ni Bb. Sarah Lou Bernardino, na nakakuha ng pinakamataas na iskor sa mga nakunan niyang litrato sa mga lungsod ng Biñan at Sta. Rosa. 
“Ang heritage photo walk tour ay sumisimbolo sa dedikasyon ng MPT South na pagyabungin ang kamalayan sa ating kasaysayan at pahalagahan ito para sa ikakabuti ng ating araw-araw na pagsusumikap sa buhay,” saad ni Arlette V. Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPT South. “Ang MPT South ay magpapatuloy na maging daan sa pagpapahalaga sa aking mga yamang kasaysayan at hikayatin ang lahat na napakagandang dahilan nito,” dagdag pa ni Capistrano. 
Tungkol sa Biyaheng South 
Ang Biyaheng South ay ang award-winning tourism advocacy program ng MPT South, na namamayagpag sa Tiktok, Facebook, at Instagram. Ito ay laang programa para sa pagsulong ng cultural heritage, diverse tourist destinations, at kakaibang experience sa Region IV-A at NCR, lalo na sa mga lugar na abot ng expressways. 
About MPT South 
Ang MPT South ay isa sa mga subsidaryo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang infrastructure arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC). Maliban sa mga toll road networks ng CALAX at CAVITEX, ang MPTC’s domestic portfolio ay kinabibilangan ng North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

Post a Comment

0 Comments