MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS PRG 2024 NATIONAL CHAMPIONSHIP, TULOY TULOY NA PARA SA ROTC SCHOLAR ATHLETES

ulat ni Roy Tomandao 
"MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS PRG 2024 NATIONAL CHAMPIONSHIP, TULOY TULOY NA PARA SA ROTC SCHOLAR ATHLETES"
INDANG CAVITE– Sa pagtatapos ng 
Philippine ROTC Games 2024 National Championship nitong Agosto 23, 2024, na ginanap sa Cavite State University naging matagumpay.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang press conference kung saan tinalakay ng Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education, at Department of National Defense ang mga naganap sa nasabing aktibidad at mga plano para sa mga susunod na taon.
Sa kanyang talumpati, iminungkahi ni Senador Francis N. Tolentino sa mga estudyanteng kalahok na sa loob ng apatnapung taon mula ngayon, ibahagi nila sa kanilang mga magiging anak at apo na sila’y naging bahagi ng ikalawang taon ng ROTC Games. Aniya, "Nakikita ko na sa loob ng susunod na 40 taon, magiging bahagi ng inyong desisyon ang pagpapapasok ng inyong mga anak sa ROTC, tulad ng inyong karanasan ngayon."
Pinasalamatan din ni Senador Tolentino ang pamunuan ng Cavite State University sa pagbibigay-daan upang gamitin ang paaralan para sa ROTC Games 2024, pati na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Department of National Defense, Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education, at lahat ng mga kalahok sa ikalawang taon ng ROTC Games.
Binigyang-pugay din ang lahat ng mga nanalo sa iba’t ibang palakasan mula sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa.

Pormal na nagtapos ang programa sa deklarasyon ng pagtatapos ng National ROTC Games 2024 ni Senador Francis Tolentino, kasunod ng pagbaba ng watawat at paglabas ng mga kulay. 

Post a Comment

0 Comments