by Shekinah Pamatmat
Laguna — Matagumpay na naipamahagi ng Department of Agriculture (DA) - Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) ang 12 hand tractors at 2 transplanter sa lokal na pamahalaan ng Pagsanjan bilang benepisaryo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program noong Agosto 12, 2024 na ginanap sa Town Plaza.
Ang proyekto ay naging posible bunga ng pakikipagtulungan ng PHilMech sa alkalde na si Mayor Cesar V. Areza at ng Municipal Agriculture Office — OIC Elda Madriaga.
Layunin ng RCEF na tulungan ang mga magsasakang Pilipino na makipag sabayan sa mga karatig-bansa pagdating sa larangan ng pagsasaka. Sa pamamagitan ng mga makinaryang ipamamahagi ng programa, inaasahang mapahuhusay ang sistema ng pagsasaka at ang kalidad ng serbisyo ng mga magsasaka.
Ang mga naturang benepisyaryo ay ang mga lehitimo at rehistradong kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka ng palay na may mga kasalukuyang aktibong miyembro. Ang kooperatiba at asosasyon ng magsasaka ay dapat samahang akreditado ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Samantala, sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Pagsanjan, 3 mini garbage truck ang naipagkaloob sa Barangay Pinagsanjan, Sampaloc at Sabang upang mangolekta ng mga solid waste ng barangay at dalhin ito sa landfill, recycling center o transfer station.
Kasabay rin sa programa ang paggawad sa 32 na mga bagong homeowners ng Core Shelter Association Program (CSAP) sa Barangay Dingin.
0 Comments