Congressman Wilbert Lee ng Agri Partylist Namahagi ng Tulong sa Bayan ng Limay Bataan

𝘼𝙂𝙍𝙄 𝙋𝙖𝙧𝙩𝙮𝙡𝙞𝙨𝙩 𝙍𝙚𝙥𝙧𝙚𝙨𝙚𝙣𝙩𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙒𝙞𝙡𝙗𝙚𝙧𝙩 𝙇𝙚𝙚 𝙉𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙏𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙇𝙞𝙢𝙖𝙮 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 

BATAAN- Binisita ni Representative Wilbert Lee ng AGRI Partylist ang bayan ng Limay sa lalawigan ng Bataan na Isa sa apektado nga dahil sa nangyaring oil spill. Na umabot nga ng 27,000 mangingisda ang apektado nito habang 13,000 dito ay mula naman sa Cavite  

Masusi nga sinuri nito ang karagatan sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard CG LCDR Michael John Encina .Kung saan tinungo nila ang ground zero ng karagatan na siyang pinangyarihan ng oil spill. Napag-alaman na umabot ng 1.4 milyong litro nga ng krudo ang nasa karagatan ngayon ng Limay na umabot pa sa karagatan ng lalawigan ng Cavite.

Namahagi din ng tulong ang mambabatas ng 40 kaban ng bigas sa mga apektadong mangingisda at residente namigay din ito ng medical assistance sa mga mamamayan .Habang kabilang sa nabigyan ng tulong ay ang tanggapan ng Municipal Agriculturist sa pangunguna ni Lauro Galicia at COS Jojo Escaler.


Ayon naman kay Mayor Nelson David  "Binahagi po satin ni Congressman Wilbert Lee  ang kaniyang panukalang resolusyon na inihain sa kongreso na naglalayong magkaroon ng agarang aksyon sa pangyayaring oil spill, sa pinsalang dulot nito, at pagbibigay ng aragang tulong sa mga mangingisdang higit na apektado."


Samantalang patuloy naman ang ginagawang paraan at aksyon ni Cong.Wilbert Lee ng AGRI Partylist na anumang solusyon sa pinsalang dulot ng oil spill sa bayan ito. Kung kaya nanawagan din ito sa lahat ng awtoridad na mag tulong-tulong para sa muling pagbangon ng bayan ng Limay.(Kevin Pamatmat)





Post a Comment

0 Comments