1st BagongDero Festival sa Calamba, Laguna



1st BagongDero Festival sa Calamba City
(Shekinah Pamatmat)
Laguna — Ginanap ang kauna-unahang pagdiriwang ng BagongDero Festival sa Barangay Bañadero, Calamba City, Laguna noong Agosto 4, 2024. 
Sa pangunguna ni Brgy. Captain Aries B. Hizon at ng sangguniang barangay maging ng sangguniang kabataan ay matagumpay na naidaos ang unang araw ng selebrasyon. Kung saan nagkaroon ng ribbon cutting bilang hudyat ng pagpapasimula ng kanilang programa. Habang pinasinayahan rin ang Bañadero Heritage Bridge na nasa 70% na ng pagsasaayos upang maihalintulad sa bahay ng pambansang bayani na si Jose Rizal. 
Sa mensahe ni Kap. Aries, malaki ang pasasalamat ng Bañadero sa suporta ng lokal na pamahalaan ng CalamBago sa pangunguna ni Mayor Ross Rizal, Vice Mayor Totie Lazaro at Congresswoman Cha Hernandez. 
Ang selebrasyon ay nagsimula noong Agosto 4 hanggang Agosto 18 na may siksik na mga programa. Ang tulay ng Bañadero ay naging makasaysayan sapagkat ang batang si Rizal na si Pepe ay nahulog ang isang tsinelas habang namamangka silang mag-ama na kung saan inihagis na rin niya ng isang kapareha na tsinelas upang mapakinabangan ng makakakuha. 

Post a Comment

0 Comments