Term extension ng barangay officials, ipinapanukala ni Senator Imee

Laguna — Bumisita si Sen. Imee sa lunsod ng Calamba, Laguna upang makipag-dayalogo sa barangay officials at SK Federation. Iminungkahi sa kanila ng Senadora ang isinusulong na batas na 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝟐𝟔𝟐𝟗 o 𝐒𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐫𝐦 𝐨𝐟 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐨𝐟 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥𝐬 na palawigin hanggang 6 na taon, na ginanap sa Convention Hall.
Sa kanyang paliwanag, aniya ni Marcos na ang kasalukuyang termino ng tatlong taon para sa mga opisyal ng barangay ay "masyadong maikli para sa mga opisyal upang maipatupad ang mga programa sa barangay at mapasali ang ating mga opisyal sa mga benefits na natatanggap gaya ng mga regular employees." 

Sa pahayag naman ni Calamba City Mayor Ross, “Tayo ay nagpasasalamat kay Sen. Imee sa kanyang pagsisikap sa pagtataguyod para sa kapakanan ng mga opisyal ng barangay.

Sa pagbisita ng Senador sa Calamba City ay nagbigay-liwanag sa mahahalagang hakbangin sa lehislatura na maaaring makaapekto sa kapakanan at pagiging epektibo ng mga opisyal ng barangay sa paglilingkod sa kanilang komunidad. Ang kanyang pangako sa pagtugon sa mahahalagang isyu ng mga opisyal ng barangay ay sumasalamin sa kanyang dedikasyon sa pagtataguyod para sa lokal na pamamahala at pagbibigay kapangyarihan sa mga namumuno. Joy Esteban

Post a Comment

0 Comments