Laguna - Nagtipon ang mga Barangay Captain at SK Chairman ng lungsod ng San Pablo bilang suporta sa pagbisita ni Senator Imee Marcos, Hulyo 12, 2024 na ginanap sa Highlands.
Bilang Chairman Committee on Electoral Reform sa senado, ipinahayag ng Senadora na kailangan ng tulong upang tuluyang maisulong na amyendahan ang Senate Bill 2629 o Setting the Term of Office of Barangay Officials na palawigin hanggang 6 na taon at ang pag-amyenda sa Synchronization ng BSKE.
Ayon sa kanya, ang pagpapalawig ng termino ng mga barangay official ay makakatulong na mas mapabuti ang kanilang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan at higit na mapanatili ang katatagan ng pamahalaan sa lokal na antas.
Lubos na nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Vicente Amante kay Marcos sa kanyang pagbisita sa lungsod ng San Pablo. Ayon kay Mayor Amante, ang pagbisita ng Senadora ay mahalagang hakbang na nagbigay-diin sa suporta ng mga pambansang mambabatas sa mga lokal na proyekto at pangangailangan. Ang kanyang pagbisita ay nagbigay inspirasyon sa mga residente at lokal na lider upang patuloy na magsikap para sa kaunlaran ng kanilang komunidad.
Nakasama rin sa programa si Mayora Gem Castillo-Amante, Congressman Dan Fernandez, Bokal Karla Adajar, San Pablo City ABC President Maning Amante, ABC President ng bayan ng Alaminos, Calauan, Nagcarlan at Liliw na kapwa katuwang ang SK President ng naturang mga bayan. At sa seguridad ng mga VIP at ng bawat isa na lumahok sa programa ay katuwang ang mga uniform personnel mula sa SPC PNP sa pamumuno ni PLTCOL Wilhemino Saldivar Jr. at SPC BFP na pinamumunuan ni FCINSP Adrian Dela Cruz.
Ang lungsod ng San Pablo ay binubuo ng 80 barangay at 73 na SK Chairman. (JOY ESTEBAN)
0 Comments