MOU PARA SA DECLARATION OF STABLE INTERNAL PEACE AND SECURITY COMMITMENTS OF SUPPORT NILAGDAAN SA BAYAN NG NAGCARLAN.

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING PARA SA DECLARATION OF STABLE INTERNAL PEACE AND SECURITY COMMITMENTS OF SUPPORT NILAGDAAN SA BAYAN NG NAGCARLAN.

By.Kevin Pamatmat 


LAGUNA-Matagumpay at makasaysayan sa unang pagkakataon ay pormal na nilagdaan sa pagitan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa pangunguna ni Punong Bayan Ark/Inh. Elmor Vitangcol Vita ang MOU for Declaration of Stable Internal Peace and Security Commitment of Support ngayon ika-10 ng Mayor 2024.


Sa buong lalawigan, ika-lima (5) ang ang bayan ng Nagcarlan na may SIPS status na nagpapakita ng malaking porsyento ng  pagsasagawa ng mga Local Peace Engagement sa Pamahalaang Bayan hanggang sa bawat barangay tulad ng maigting na pagdalo at pakiki-isa sa mga seminar tulad ng NTF-ELCAC at pagbuo ng KKDAT ng mga Punong Kabataan sa bawat mga barangay patunay lamang ito na ang isang bayan ay insurgency-free community. 


Lubos na pasasalamat ang  ipinaaabot ni Mayor Vita sa mga panauhing pangdangal na mula, sa Hukbong Katihan ng Pilipinas, Sangguniang Bayan, sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Bayan, sa mga Civil Society Organization at Liga ng mga Barangay na nakiisa at dumalo sa nabangit na programa.


Samantalang lumagda naman si Vice Governor Atty Karen Agapay sa Pledge of commitment Kaugnay sa Declaration of Stable ,Internal,Peace and Security para kauyusan at kapayapaan ng bayan ng Nagcarlan at ng buong lalawigan.(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments