GROUND BREAKING SA PAGTATAYO NG LAGUNA-REGIONAL HOSPITAL ISINAGAWA SA BAYAN NG BAY.

GROUNDBREAKING SA PAGTATAYO NG LAGUNA REGIONAL HOSPITAL, ISINAGAWA SA BAYAN NG BAY.


LAGUNA-  Naging posible ang pagtatayo ng Laguna Regional hospital sa bayan ng Bay lalawigan ito. Sa pagsisikap ito ni Congresswoman Ruth Mariano Hernandez ay naisabatas ang pagkakaroon ng Level III General Hospital .


Pumasa sa kongreso ang panukalang batas noon March 9, 2021 ni Cong. Ruth Hernandez na naglalayong magpatayo ng Laguna Regional Hospital. Ito ay isinulong upang ilapit sa mga kalalawigan ang maayos na serbisyong medikal. It


Samantalang noon December 12, 2023 naganap ang Third Reading sa Kongreso ng panukalang batas ni Cong. Ruth Hernandez na House Bill 9623. Kasunod nito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ay nagsagawa ng paglagda ng Deed of Donation sa Department of Health (DOH) ng nasa mahigit dalawang ektaryang lupa sa bayan ng Bay.


Tinalakay din sa isang Public Hearing ng Senate Committee on Health and Demography ang importansya ng pagkakaroon ng isang Level 3 General Hospital sa ating lalawigan na maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsasabatas ng House Bill 9623.


Sa kasalukuyan, ay  isasagawa ang groundbreaking ceremony ng itatayong Laguna Regional Hospital sa bayan ng Bay. Sa pamamagitan nito mas mapapalakas at mapapalawak ang public health care system ng lalawigan.

Lubos ang pasasalamat at ang pagmamalasakit ni Conresswoman Ruth M. Hernandez sa pagsisikap na maging isang batas ang House Bill 9623. Ang adhikaing ito ay napakalaking tulong para sa mamamayan ng Laguna  at kalapit lalawigan. (Kevin Pamatmat )

Post a Comment

0 Comments