"Tindig Calabarzon Announces 1st National Transport Summit "TINDIG PARA SA MAKABAGONG TRANSPORTASYON NG PILIPINAS"
Santa Rosa City Laguna -Magsasama sama ang nasa 2 libong transport leaders, operators at mga drivers mula sa ibat ibang panig ng bansa para sa kauna-unahang National Transport Summit na inorganisa ng TINDIG CALABARZON INC Gaganapin ang transport summit sa Sta Rosa Multipurpose Complex sa Sta Rosa City, Laguna sa ganap na ika 10 ng umaga.
Layon ng pagtitipon na ipakita kay Pangulong Bong Bong Marcos na suportado ng SILENT MAJORITY ANG Public Transport Modernization Program Nagkakaisa sa panawagan ang mga transport sector ng Region 4 na panindigan ng Pangulo ang kangang posisyon na tuluyan ng tapusin ang industry consolidation at tuluyan nang ipatupad ang matagal nang naudlot na PUV modernization na siyang magpapalakss ng tuluyan sa sektor transportasyon.
Bukod sa pagtapos ng consolidation, hiling din ng mga transport leader ang EXPANDED o pagpapalawak at tuluy-tuloy na Sevice Contracting. Panawagan din ang malinaw na listahan ng mga kasali at ang mabilis na pagtukoy sa mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy.
Higit sa lahat, hininiling din sa Pangulo na gawing sistematiko, patas at walang bahid ng katiwalian ang pagpapatupad ng anti colorum operation ng gubyerno. Sa ngayon kasi, tila hindi malinaw sa mga pulis at ibang enforcement agency ang pagpapatupad ng anti colorum operation.
Imbitado sa summit ang mga key players sa industriya, mga eksperto at kinatawan mula sa ibat inang transport cooperatives, federations at alliances na magbibigau daan sa mas malawak na talakayan sa isyung kinakaharap natin ngayon Inaasahang magbibigya daan din ito sa pagbuo ng mga bagong alyansa at kooperasyon.
nasan larwan LTFRB NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo, OTC OIC Executive Director Reymundo DJ De Guzman, PCOL Berna Cabuhat reprentative from PRO4A office, DOTr Usec.Jesus Ferdinand Ortega, LTFRB Region IV-A Regional Director Loumer Bernabe, Chief of Staff Randy Londres from the office of Felimon Espares, Eugine Diaz representative from the LTO Region IV-A (Roy Tomandao)
Ang TINDIG CALABARZON, ay isang non profit organization na nagsusulong ng sustainable development sa hanay ng transportasyon sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng samasamang pag-angat ng kalidad ng pamumuhay ng mga taga-CALABARZON.
Roy Tomandao
0 Comments