KAUNA-UNAHANG SOLAR WATER TANK SA BAYAN NG NAGCARLAN MALAPIT NG MAGAMIT SA SERBISYO PARA SA BARANGAY.
NAGCARLAN ,LAGUNA-Proyektong para sa mamamayan ng Barangay Malaya Nagcarlan Laguna ang kauna-unahang Solar Water Tank. Na malapit na diumano magamit ng residente dito.
Sa panayam kay Brgy .Chairman Alexander M. Donadio nagpapasalamat ang buo niyang Sangunian kay Congressman Loreto"Amben" Amante at Kay Municipal Mayor Elmor V.Vita. Sa pagkakaroon nila ng ganitong proyekto.
Nanawagan naman sila una sa pamahalaan nasyunal na sana ay mapagkalooban sila ng kaukulan pondo na para sa pagtatayuan ng kanilang paaralan elementarya , Evacuation Center at multipurpose building. via Kevin Pamatmat
0 Comments