LAGUNA- Umabot ng 650 na mga mamamayan ng bayan ng Pakil ang tumanggap ng halagang ang Php 5,600.00 kahapon para sa kanilang ipinagtrabaho sa loob ng 10 araw sa bawat barangay sa ilalim ito ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o (TUPAD).
Nagpa-abot ng pasasalamat si Mayor Vince Soriano sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa palagiang pagkakaloob sa bayan ng ganitong mga klaseng programa na lubos na nakakatulong sa buong mga pamayanan ng bayan ito.
Katuwang sa programa ang PESO Manager Rusella Bacani at kanyang mga kawani para sa maayos at sistematikong pay-out na isanagawa sa bulwagan ng bagong Munisipyo ng Pakil Laguna. (Kevin Pamatmat)
0 Comments