𝙎𝙚𝙖𝙧𝙘𝙝 𝙛𝙤𝙧 𝙂𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙉𝙖𝙣𝙖𝙮 2024, 𝙈𝙖𝙩𝙖𝙜𝙪𝙢𝙥𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙄𝙨𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙧𝙜𝙮.𝙎𝙩𝙖.𝙇𝙪𝙘𝙞𝙖 𝙀𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡, 𝙉𝙖𝙜𝙘𝙖𝙧𝙡𝙖𝙣 𝙇𝙖𝙜𝙪𝙣𝙖.




NAGCARLAN, LAGUNA - Napuno ng ngiti at bagong 
pag-asa ang katatapos lamang na Search for Gandang Nanay 2024 na ginanap sa bulwagan ng Brgy.Sta.Lucia Elementary Nagcarlan Laguna.

Bahagi ito ng proyekto ng School Parent and teacher Association SPTA. Sa pangunguna ng kanilang masipag na President Marifel "Tata" Samia at very supportive niyang mga miyembro .

Nakipagtagisan nga ng kanilang mga talento ang labing pitong mga kalahok na mga kandidata na representate ng kani-kanilang mga anak na kinaaniban sa bawat  silid sa paralan.

Nagwagi sa ikaapat na pwesto si Rose Ann Pirante na nakalikom ng halagang Php.17,050 pesos , ikatlong pwesto ay si Jelli B. Rotal na nagtala ng halagang Php. 18, 800 pesos Sa ikalawang pwesto naman ay si Rosemarie S.Gutirez na nagtala naman ng Php.19,880, 
Nakalikom naman si Carla Pirante ng halagang P.hp.27,150 pesos para naman sa unang niyang pwesto . Habang nakapagtala naman ng tumatagingting na halagang Php.27,164.25 ang itinanghal na Gandang Nanay 2024 na si Jenalyn U. Bonquin..

Tumangap naman ng malakas na palakpakan at sigawan ng magwagi bilang People's Choice Award ang candidates number 18 na si Juliet Balderama. Dahil sa hindi nito inaasan na siya ay mahirang sa kabila ng kanyang mga katungali (Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments