LAGUNA- Pinangunahan ni Mayor Arch./Engr Elmor Vitangcol Vita sa pamamagitan ng tanggapan ng MSWD ang pamamahagi ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program o (AKAP) hatid ito ng OFW Partylist sa mga piling tricycle driver ng bawat TODA ng bayan ito kahapon, ika-19 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Mayor Vita nagpapasalamat ito sa OFW Partylist Representative Kgg. Marissa “Del Mar” Magsino sa laging pagsuporta at pagbibigay nito ng tulong sa mga kapos sa kita at pangkabuhayan.
Umabot naman ng mahigit 594 na piling mga tricycle drivers ng ibat-ibang TODA Na nakatangap ng halagang Php. 3,000.00 bawat isa kahapon
Ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program AKAP ay isang bagong programa ng DSWD na layong mabigyan ng tulong ang mga Pilipinong kumikita ng minimum wage, na mahihirap natin mga mamamayan .(Kevin Pamatmat)
0 Comments