PINAY PINARANGALAN BILANG PINAKA MAHUSAY NA MUAYTHAI COACH SA BUONG MUNDO.
LAGUNA-Naitala sa kasaysayan ng palakasan o sports lalo na sa Muaythai competition si coach Precious Ocaya Delarmino ng Nagcarlan Laguna.
Makaraang bigyan ito ng parangal bilang Best female coach at the 2024 International Federation of Muaythai Association o IFMA. Sa katatapos lamang na World Youth Championship sa Bangkok Thailand.noon ika-19 ng Setyembre.
Nakipagtagisan ng lakas, talino at kaalaman ang ating mga atleta sa 3,000 mga katungali na mula pa sa ibat-ibang panig ng mundo
Pang-apat ang Pilipinas "Teen Bagsik" sa loob ng 93 mga bansa na lumahok sa paligsahan. Kung kaya mapalad ang mga Kabataan Pinoy dahil pinalad silang mapabilang sa pinaka mahuhusay sa Muaythai.
Nagkamit naman ang ating atleta ng 7 Gold medal at apat na bronze medal. Kabilang dito ang 2 gintong medalyang nasungkit nila Royeth Rosa 12-13 years old, at Samantha Audrey Ananias 16-17 years old na pawang mula sa bayan ng Nagcarlan sa lalawigan ng Laguna Habang Hinirang din ang Teen Bagsik bilang Best Team sa kategoryang Under 14(Fourteen
Maraming salamat Coach Precious Ocaya Delarmino dahil muli mong iwinagayway ang ating bandila dahil sa angking galing ng mga pinay. (Kevin Pamatmat)
0 Comments