Ulat Lungsod ni Mayor Rosseller H. Rizal Kasabay ng ika-282 Taon ng Pagdiriwang ng Pagkakatatag ng Calamba..

Ulat sa Lunsod ni Mayor Roseller H. Rizal Kasabay ng Ika-282 Taong Pagdiriwang ng Pagkatatag ng Calamba

Calamba, Laguna –Muling Ipinagdiwang ngayong araw ang ulat sa lunsod ni Mayor Roseller H. Rizal kasabay ng ika-282 taong pagdiriwang ng pagkakatatag ng bayan ng Calamba, mula sa dating bayan ng Tabuco (ngayon ay Cabuyao).


Ayon sa ulat ni Mayor Ross Rizal, puno ng mga proyekto at programa para sa mga Calambeño. Sa kanyang talumpati, aniya: "Pinili kong ilarawan ang kasalukuyang estado ng ating lungsod sa estado ng buhay ng isang ordinaryong Calambeño." Inilahad niya ang mga proyekto at tagumpay ng dating maliit na bayan, na ngayon ay tinitingala sa buong bansa.


Sa loob lamang ng dalawang taon ng kanyang panunungkulan, bilang punong lungsod malayo na ang narating ng Calamba. Isa sa mga ipinagmamalaki ng lungsod ang mga pabahay na maituturing na "world-class" dahil sa condominium-type na mga tirahan. Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng mga doktor at nurse sa barangay at ang pagiging kampeon ng lungsod sa larangan ng nutrisyon.


At kaamakailan lamang ay pinarangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba bilang Top 8 sa 114 na component cities, at bilang number 1 sa buong Laguna sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) National Ranking ng 2023. Ipinagmamalaki rin ng lungsod ang Top 2 sa Innovation Pillar, Top 4 sa Economic Dynamism, at Top 9 naman sa Infrastructure Pillar.


Sa bahagi ng kalusugan, iginawad sa Calamba ang Excellence in Health Governance mula sa Department of Health. Pinarangalan din ito ng The Manila Times bilang Model City at tumanggap ng Safe Haven Award noong buwan ng Setyembre ng nakaraang taon. Nakamit din ng lungsod ang Gawad Kalasag Seal of Excellence 2023 at Beyond Compliant Award para sa Risk Reduction Management and Climate Change Adaptation Efforts mula sa DILG. Bukod dito, kinilala rin ang Anti-Drug Abuse Council ng Calamba bilang Highly Functional.


Sa pagtatapos ng kanyang ulat, nanawagan si Mayor Rizal: "Manatili sana tayong nagkakaisa upang lubusang matupad ang ating mga pangarap para sa atin at sa ating mga pamilya. Wala tayong ibang sandata kundi ang talino na piliin ang tama at nararapat, at wala tayong ibang kalakasan kundi ang katapatan at pagmamahal mula sa puso." 


Nagpbigay din ng mensaheng pasasalamat sina Vice Mayor Atty. Angelito S. Lazaro Jr. at Congresswoman Charisse Anne Hernandez Alcantara sa lahat ng dumalo sa makasaysayang selebrasyon sa lungsod ng Calamba ngayon taon.. (Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments