PAKIL FIRE STATION MALAPIT NG MAKAMIT


PAKIL FIRE STATION.MALAPIT NG MAKAMIT 

PAKIL LAGUNA- Higit na kailangan ng isang bayan ang tangapan ng taga pamatay sunog  dahil sila ang katuwang sa panahon ng tag-araw upang bantayan at tutukan ang ating kapaligiran at mga tahanan.

Sa panayam kay SF03 May P. Bascogin ng Pakil Fire Prevention Office (FPO) . Nag donate ng 300 square meter na lupang pagatatayuan ng kanilang tangapan. Ang pamahalaan lokal ng Pakil sa pangunguna ni Mayor Vince Soriano noon Pang taon 2018.

Nasa larawan naman ang relocated na fire truck na mula pa sa Siniloan Fire Station na magagamit naman nila sa pagresponde at paglilinis sa anumang paraan sa bayan ng Pakil.

At dahil dito ay malapit na nga nilang makamit at matanaw ang minimithing katawagang Pakil Fire Station sa bayan sa bayan ito. Na matagal na nga nilang inaasam-asam.

Ngiti naman ang isinukli ni SFO3 Bascogin dahil aniya madadagdagan na din umano ang kanilang mga personnel sa darating na panahon na siyang makakatuwang 24/7 para sa bayang mapaghimala.(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments