𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Personal na nagpaabot ng pasasalamat ang mag-ina na sina Gng. Cherry Martin at Andrea Martin kay Laguna 3rd District Representative Congressman Amben Amante.


Si Andrea Martin ay isa sa maraming natulungan ng opisina ni Cong. Amben na maging matagumpay ang kanyang operasyon na brain tumor. Labis ang galak ng mag-ina ng malaman nilang nasa Nagcarlan Satellite Office si Cong. Amben kung kaya't sinadya na nila ito.
Hangad ng mag-ina na mas marami pang matulungan ang Kongreso na gaya nilang kapos sa pinansyal. Nakasuporta rin sa mag-ina ang punong-barangay na si Kap. Mark Joseph Sorela ng Brgy. Poblacion Uno Nagcarlan, Laguna.
Ayon naman kay Congressman Amben “Sa aking mga ka-distrito, tuloy-tuloy po ang ating serbisyo. Ako na po ang lalapit sa inyo. Bukas po ang aking mga tanggapan sa Congressional Office Fule-Malvar Mansion, Nagcarlan at Calauan Satellite Office. Tuwing araw ng Huwebes sa San Pablo at Biyernes naman po sa Nagcarlan at Calauan para mapakinggan po ang mga hinaing at problema ng ating nasasakupan.” | Shekinah Pamatmat

Post a Comment

0 Comments