MALASAKIT NI SENADOR BONG GO SA MGA KOOPERATIBA SA BAYAN NG STA.CRUZ,KANYANG IPINADAMA

MALASAKIT NI SENATOR BONG GO SA MGA KOOPERATIBA SA BAYAN NG STA. CRUZ, KANYANG IPINADAMA

LAGUNA-Sa pagtungo ni Senator Bong Go sa bayan ng Sta. Cruz, dito sa lalawigan ng Laguna, sinikap niyang mabigyan ng tulong ang ilang grupo ng kooperatiba na nakaranas ng krisis pang-ekonomiya. 


Panauhing pandangal ang senador sa isinagawang 'Malasakit Para sa Kooperatiba' ng Cooperative Development Authority na ginanap sa  bulwagan ng Kultura ng lalawigan ng Laguna ngayong ika-15, ng Abril 2024.


Sa pagtutulungan nina Senator Bong Go, ng CDA, at lokal na pamahalaan, ay matagumpay na nabigyan ng pinansyal na tulong ang 23 kooperatiba sa probinsya para pandagdag umanong puhunan sa mga miyembro at upang matulungang mai-angat ang kanilang mga kabuhayan sa kanilang pamayanan.

Buo ang suporta ni Senator Bong Go sa mga programang nakakatulong sa mga mahihirap tulad nitong naisulong sa pamamagitan ng CDA.

Bukod sa programang naibahagi, nagbigay din si Senator Bong Go ng mga bola at t-shirt para sa mga benepisyaryo. Ang ilan ay nabigyan din ng relo. 

Nagpasalamat naman ang senador sa kooperasyon nina CDA Chair Joy Encabo, Laguna Governor Ramil Hernandez, Vice Governor Karen Agapay, Board Member JM Carait III at Board Member Francis Joseph San Luis.

Mananatili namang bukas ang tanggapan ni Senator Kuya Bong Go sa mga nangangailangang kooperatiba at tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya dahil bisyo na niya ang magserbisyo para sa Diyos at sa tao.(Kevin Pamatmat)

Post a Comment

0 Comments