𝟖𝟑𝟕 𝗻𝗮 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱, 𝗔𝗿𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗖𝗿𝗶𝗺𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗣𝗡𝗣

Kampo Heneral Paciano Rizal - Arestado ang 837 na personalidad sa Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP sa pamumuno ni PCOL GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang Anti-Criminality Operational Accomplishments ng Laguna PPO ay isinagawa sa buong buwan ng Marso 2024 sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, illegal gambling, operation against most wanted persons at loose firearm sa buong lalawigan ng Laguna.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, nagsagawa ang Laguna PNP ng 206 na operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng 260 na suspek. Kumpiskado sa mga suspek ang 586.6 gramo ng hinihinalang shabu at 84.10 gramo ng marijuana na may kabuuang halagang tinatayang aabot sa PhP4,077,770.00.

Sa Anti-illegal Gambling Operation nakapagtala naman ng 113 na operasyon laban sa illegal number games o maskilala sa tawag na (bookies) na nagresulta sa pagkaaresto ng 118 na personalidad, habang 85 operasyon naman para sa other form of iligal gambling na nag resulta sa pagkakaresto ng 248 katao na sangkot sa iba pang uri ng sugal. Nasamsam sa mga suspek ang bet money na may kabuuang halaga na PhP78,236.00.

Sa Manhunt Operations arestado ang 50 most wanted person 15 dito ay Regional Level, 16 na Provincial Level at 19 na City/Municipal Level, habang naaresto din ang 135 na other most wanted person.

Para naman sa operasyon laban sa loose firearms ng Laguna PNP nakakumpiska ang 14 baril sa isinagawang buy-bust operation, dalawa (2) naman ang nakumpiska sa search warrant operation at para naman sa other operation laban sa loose firearms 50 na baril ang nakumpiska. Samantala, arestado ang 26 katao sa isinagawang nasabing operasyon.

Ayon sa pahayag ni PCOL UNOS, “Ang matagumpay na mga operayon ng Laguna PNP laban sa kriminalidad ay bunga ng pagtutulungan ng kapulisan at mamamayan". #gtgtalampas

#BagongPilipinas
#SerbisyongNagkakaisaParasaBagongPilipinas
#ToServeandProtect
#ASEANAPOL

Post a Comment

0 Comments