Project Job Opportunities in Betterment) for Learners with Special Needs
LILIW,LAGUNA-Pangarap na programa noon, natupad na ngayon, Ito ay ayon kay G. Gerald Jay B. Credo, Special PET I ng Liliw Central Elementary School
Isinanguni niya ang programang ito kay Kgg Franco Ilucso bilang nasa Komite ng Edukasyon masusi itong pinag-aralan at sinang ayunan ng lahat. Kung kaya't ipinabatid ni G. Credo sa kanyang mga kapwa SNED Teachers na sina Gng. Jocyvi Montiel (Liliw Central Elementary School), G. Allan Buenavista (Calumpang Elementary School) at Gng. Maria Theresa Sanchez (Liliw National High School) ang programang upang kanilang mapagtulungang maisakatuparan.
Agad silang gumawa ng Memorandum of Agreement (MOA) at ito'y agad na!nilagdaan nila Dr. Mayrasol Honrade (Principal- LCES), Mr. Emmanuel Pabale (Principal - CES), Mrs. Emily Visey (Principal-LNHS) at Dr. Teofila Tabulina (PSDS).
Labis ang kagalakan ng bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Mayor Ildefonso Monleon at Vice Mayor Ericson Sulibit sa programang nabangit dahil marami ang matutulungan nitong mga mag-aaral.
Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga SNED Learners na makapaghanapbuhay at magkaroon ng trabaho. Sapagkat sila ay bahagi ng ating pamayanan.
Nag-uumapaw naman ang pasasalamat ng mga SNED TEACHERS sa Lokal na pamahalaan bayan ng Liliw. Sa pagkilala at pagtugon sa mga batang nangangailangan ng higit na pag unawa at atensyon(Kevin Pamatmat)
0 Comments